Monday, March 2, 2009

tikatik


Sa mga nakaraang araw, bagamat mahirap, ako'y may natutunan;
Ako'y may nahanap upang tuluyang muling maging akin.

Panahon...

Simpleng salita at tila madaling bigyan ng kahulugan
Ngunit ang katututuran ay iba na namang usapan.


Maraming nawawala at nararamdaman kahit sa kaiklian nito.
Kapag nalimutan mong sulyapan, di mamamalayang wala na ito.

Pagsisisi ang aking hinagkan nung ako'y nagkamalay kailan lang,
Aking kaibiga'y lumisan na pala at ako'y luhaan.

Ngunit panahon ay nagtuturo nang di basta basta,
ngayon alam ko na kung paano magpahalaga.

Kanina,muli kaming bumalik ng aking mga kaibigan,
Sa dati naming puntahan

Ngayon ako'y ganado na magpatuloy upang panaho'y di lumayo;
At sa bawat tikatik ng orasan, gagamitin ko ito nang may pagmamahal.

No comments:

Post a Comment