Sunday, November 15, 2009

Fishball at Coke

Sa patutungkulan:

Sa hirap ng buhay ngayon, ano nga ba ang uso?
Pero sa takbo ng buhay ngayon, masasabi kong di ako ganoong napepressure...

Dahil ito na ang uso ngayon.
Kung may fishball at coke, pwede ka namang mabuhay nang walang ginagambala o kinakailangang makasama.

Hindi naman sa madamot ka o suplada. May mga bagay lang na mailap sa'yo o 'di para sa'yo ngayon. Bakit ka naman namomoblema, kung laganap pa din ang fishball at coke. Marami ka pa ring kapareho. Anong masama sa fishball at coke, nariyan naman ang iyong mga kaibigan na ganyan din ang kalakaran, at dumarami pa nga kayo.

Sa panahon ngayon, hindi na problema yan, pwede ka naman maging self-supporting, lalo na ngayong estudyante ka pa.

Kung hindi ka pa din kumbinsido, tignan mo na lang yang minemeryenda mo: Hindi pa nararanasang magmahal ng Fishball, samantalang zero naman ang sa coke o di kaya solo sa LOVE.

Ito ang uso ngayon, laganap sa text. Di mo maintindihan kung pampalubag-loob o paglalabas ng kapaitan.

PS:
Naalala ko lang, sabi ng titser ko nung highschool, kung anu daw ang kinakain mo, yun daw ang makikita sa'yo. Halimbawa, mahilig ka sa chicherya, maninilaw ka daw. Naisip ko pa nga noong ugaling uminom ng gatas, para pumusyaw ako. E kung coke at fishball ang meryenda mo, doble talab ba? Naku, napepressure ka na naman. Ayos nga lang yan, uso nga.

Basta ang alam ko, nasa tabi pa din ng fishball ang tig5 piso samalamig- may kakulay ng coke , pero mabango at may makukulay na sago at gulaman.

No comments:

Post a Comment